Sumadsad ang piso sa panibago at makasaysayang record low matapos magsara sa P63.06 ang palitan sa kada U.S. dollar nitong Huwebes, October 15.
Nalampasan nito ang dating record low na P62.90 noong October 8.
Sa loob ng maghapong trading, humina pa ang piso sa P63.15 kada dolyar bago bahagyang nakabawi sa pagsasara.
Ito na ang ika-27 beses na record low ng piso ngayong taon.

