Isang pulitiko mula sa Mindanao ang umano’y sangkot sa kargamento ng ilegal na droga na nasabat sa bansang Laos.
Inanunsyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang pulitiko mula sa Mindanao ang umano’y nagpondo ng chartered flight para dalhin ang droga mula Laos papuntang Pilipinas.
Tumanggi naman si PDEA spokesperson Joseph Frederick Calulut na tukuyin ang personalidad na ito, pero sinabing miyembro umano ito ng partido na kontra sa administrasyon.
Noong October 1, inaresto sa bansang Laos ang isang Pilipino kaugnay ng mahigit 500 kilong hinihinalang shabu na nasabat sa isang pribadong eroplanong bibiyahe dapat ng Pilipinas.

