Balitang A2Z

PCG, itinaboy ang Chinese fishing vessel at apat na bangka sa Lawak Island sa Kalayaan, Palawan

Itinaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese fishing vessel at apat na maliliit na bangka nito mula sa territorial sea ng Lawak Island sa Kalayaan, Palawan nitong Huwebes,…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Itinaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese fishing vessel at apat na maliliit na bangka nito mula sa territorial sea ng Lawak Island sa Kalayaan, Palawan nitong Huwebes, October 15.

Ayon sa PCG, nakaangkla ang YUETAIYU 63168 habang nangingisda umano ang apat nitong bangka.

Agad na nagpadala ng rubber boat ang Coast Guard para dokumentuhan ang aktibidad at paalisin ang mga sasakyan.

Tatlong beses nitong inikutan ang Chinese fishing vessel at paulit-ulit na nag-radio challenge, pero walang tugon.

Habang binantayan naman nito ang mother vessel hanggang mag-angat ito ng angkla at tuluyang umalis.

ADVERTISEMENT

Wala namang naiulat na hindi kanais-nais na insidente sa operasyon.

Patuloy namang iginigiit ng Pilipinas na bawal mangisda ang mga dayuhang sasakyang-pandagat sa territorial sea ng Pilipinas nang walang pahintulot.

What do you feel about this article?