Wala umanong problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkalas sa kaniyang partido ng anak na si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.
Ayon sa Malacañang, nirerespeto umano ni PBBM ang paglipat ng presidential son mula sa Partido Federal ng Pilipinas papunta sa Lakas-CMD party.
Pinangungunahan ng pinsan ni PBBM na ex-House Speaker, Leyte First District Representative Martin Romualdez, ang Lakas-CMD.
Sa napabalitang paglipat ni Sandro Marcos, ang Lakas-CMD ang nanatiling pinakamalaking partido sa Kamara, na may 64 na miyembro mula sa mababang kapulungan.

