Pinaiimbestigahan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang mga host ng “Machong Chismisan” kaugnay ng pangungutya kay Josh Aquino, ayon kay Boy Abunda.
Sa kanyang programa, ibinahagi ni Abunda ang mensahe na inatasan umano ng direktor ang Cybercrime Division at Special Action Unit na imbestigahan ang mga host at magsampa ng kaukulang kaso alinsunod sa batas.
Habang ikinuwento rin ni Abunda na si Josh ang nangunguna sa panalangin tuwing umaga noong nagpapagamot si Kris sa Amerika.
Nag-ugat ang kontrobersiya sa October 5 episode ng podcast, kung saan nagbitaw ang mga host ng mapanlait na komento tungkol kay Josh at sa kanyang kapansanan.
ADVERTISEMENT
Binura na ng programa ang episode at humingi rin ng tawad sina Tito P, Makoy Pare, at Lawrence Vivar.
Samantala, tinapos na rin ng The Pod Network ang kontrata nito sa Machong Chismisan at agad inalis ang podcast sa network.

