Inihatid umano sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez ang mahigit 100 maleta na may kabuuang halos isang bilyong piso mula 2023 hanggang 2024.
Ito ang testimonya ng dating driver at bodyguard ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co na si Rodante Orbillo.
Humarap si Orbillo nitong Huwebes, October 15, sa ikatlong araw ng bail hearing sa kasong plunder ni Romualdez sa Sandiganbayan Third Division.
Kaugnay ang kaso ng umano’y kickbacks sa mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno.
Ayon kay Orbillo, mahigit 10 beses siyang sumama sa paghahatid ng mga maleta mula sa mga tirahan ni Co sa Taguig at Pasig patungo sa bahay ni Romualdez sa Forbes Park, Makati.
Pero sa cross-examination, kinuwestiyon ng depensa ang kredibilidad ng testigo matapos magpakita ng abogadong si Rashel Pomoy ng news clip kung saan inamin ng abogado ng mga dating bodyguard na si Levito Baligod na mali ang pagsama kay Senador Loren Legarda sa kanilang joint affidavit.
ADVERTISEMENT
Kinumpirma ni Orbillo na walang cash delivery sa bahay ni Legarda.
Isinangkot din ni Orbillo sina Senador Tito Sotto, dating Senador Sonny Trillanes, at dating Marikina Representative Stella Quimbo.
Mariin namang itinanggi nina Sotto at Trillanes ang paratang, habang wala pa namang bagong pahayag si Quimbo, na nauna na ring itinanggi ang mga paratang.

