Nananawagan ngayon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng sama-samang panalangin para sa mabilis na paggaling ni Pope Leo XIV matapos operahan sa baga.
Hinikayat ni CBCP President Archbishop Gilbert Garcera ang mga mananampalataya na ipanalangin ang Santo Papa at inaanyayahan ang mga parokya at diyosesis na mag-alay ng espesyal na panalangin.
Sa update ng Holy See Press Office nitong Huwebes, maayos ang ikalawang gabi ng Papa sa Gemelli Hospital sa Rome.
At nakabangon na rin siya at nakapag-almusal matapos ang operasyon noong Martes.
ADVERTISEMENT
Nakiisa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mataimtim na pagdarasal sa Santo Papa para sa panunumbalik ng maayos at malusog na pangangatawan ng Santo Papa.
Habang inalala rin ng mga Agustino sa Intramuros ang mga alaala ng pagbisita ng Santo Papa noong prior general pa siya ng kanilang orden.

