Balitang A2Z

35, patay sa pagguho ng bubong ng paaralan sa Pakistan

Hindi bababa sa 35 indibidwal ang namatay matapos gumuho ang bubong ng isang paaralan sa Peshawar, Pakistan. Kabilang sa nasawi ang mahigit 30 bata at isang guro, habang aabot naman…

Billy Torres · · 1 min read

Photo of scenes outside a school in Peshawar, Pakistan, following a roof collapse

Hindi bababa sa 35 indibidwal ang namatay matapos gumuho ang bubong ng isang paaralan sa Peshawar, Pakistan.

Kabilang sa nasawi ang mahigit 30 bata at isang guro, habang aabot naman sa mahigit 50 ang sugatan.

Na-rescue naman ang lahat ng naipit sa guho, ayon sa rescue officials.

Ayon sa report, nagkaklase ang mga bata nang bumagsak ang bubong mula sa itaas na palapag patungo sa mga silid sa ibaba.

Inaresto na ng pulisya ang may-ari ng paaralan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa police chief, mahina ang istruktura ng gusali at masyadong mabigat ang konstruksyon sa itaas nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

What do you feel about this article?