Asaran, sagutan at kalokohan, walang paatrasan sina Vice Ganda at Vic Sotto sa pasilip ng unang pelikulang pinagbidahan ng dalawang comedian para sa pelikulang “The Greatest Showdown.”
Sa isang eksena, nagpalitan ng banat ang dalawang komedyante, pati pagsabay sa sigaw na “Matira, matibay,” pinagtalunan pa.
Sa poster naman, nagtapatan ang dalawa sa bato-bato-pick.
Kasama sa Team Vice sina Ruby Ruiz, Iyah Mina, Fyang Smith at Brent Manalo.
ADVERTISEMENT
Habang kampi naman kay Vic sina Jose Manalo, Klarisse de Guzman, J-M Ibarra at Ryzza Mae Dizon.
Sa direksiyon ni Jun Robles Lana, mapapanood ang “The Greatest Showdown” sa December 25 bilang kalahok sa 2026 Metro Manila Film Festival.

