Kumpirmadong bibisita sa Pilipinas si U.S. President Donald Trump sa Nobyembre para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits na gaganapin sa Metro Manila sa November 16 hanggang 18.
Nauna nang inanunsyo ng White House ang pagdalo ni Trump bago ito pormal na kinumpirma ng Malacañang.
Magtitipon dito ang mga lider ng ASEAN kasama ang mga dialogue partner ng bloke para talakayin ang regional security, ekonomiya, at kooperasyon.
Isa rin sa mga inaabangang usapin sa pagbisita ni Trump ang Pax Silica Initiative na pinangungunahan ng United States at nakatuon sa advanced technology, semiconductors at industries na sumusuporta sa artificial intelligence.

