Iginiit ni House private prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. na pinatatagal lang ng depensa ang usad ng impeachment trial.
“Klaro wala naman silang ebidensya. That is just mere posturing, para lang magkaroon sila ng excuse. Puno’t dulo, walang paliwanag eh dahil wala namang sagot,” ayon kay Tolosa.
Iyan ay matapos na almahan ng depensa ang bahagi ng ruling ni Presiding Officer Francis Escudero na lifted na ang sub judice rule na nagbabawal sa bawat partido, senator-judges maging ang nasasakdal na pag-usapan ang merito ng kaso sa labas ng korte.
Giit ng private prosecutor, kung tutuusin ay nasasakdal ang makikinabang sa pagtanggal ng sub judice rule sa tatlong articles of impeachment para mailahad nito ang kaniyang panig, pero lumalabas umano na wala lang hawak na ebidensya ang depensa.
ADVERTISEMENT
Dumistansya naman sa usapin ang impeachment court at una nang sinabi na ang desisyon nito ay matapos na timbangin ang posisyon ng magkabilang panig.

