Ipinag-utos ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagtitipid ng tubig sa lahat ng kampo, istasyon, at headquarters sa bansa bilang paghahanda sa inaasahang paglakas ng El Niño sa mga susunod na buwan.
Kabilang sa mga isinusulong na hakbang ang agarang pagkukumpuni ng tumatagas na tubo at gripo at pag-iipon ng tubig-ulan kung angkop sa pasilidad, tulad ng pag-flush ng inidoro at paghuhugas ng sasakyan.
“Logical lang naman eh. But that does not mean na ‘yun lang ‘yung gagawin natin mitigating or other interventions na efforts. Sayang naman ‘yung mga water that is available for use sa other uses—flushing our toilets, washing our cars. It’s just but logical naman na kasabay ng pagtitipid natin is ‘yung we harvest available resources to us,” ayon kay PNP-PIO Chief PCol. Allen Rae Co.
Ipinag-utos din na isama sa community policing ang pagtuturo ng pagtitipid ng tubig at paghahanda ng sapat na pagkain sa mga tahanan.
ADVERTISEMENT
Habang nagbabala naman ang PNP laban sa pagho-hoard ng inuming tubig sa gitna ng pangamba sa posibleng kakulangan ng supply.
Panawagan ng kapulisan sa publiko, isaalang-alang ang pangangailangan ng iba.

