RegionalLatest News

P42 dagdag-sahod, epektibo na sa Central Visayas

Epektibo na ang dagdag na ₱42 sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa Central Visayas, kahapon, October 14, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Newslight · · 1 min read

Epektibo na ang dagdag na ₱42 sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa Central Visayas, kahapon, October 14, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng bagong wage rates, aabot na sa ₱582 ang arawang minimum wage sa Class A areas, kabilang ang expanded Metro Cebu, habang ₱542 naman sa Class B areas na sumasaklaw sa iba pang mga lungsod at bayan sa rehiyon.

Tinatayang 450,185 na manggagawa ang makikinabang sa nasabing taas-sahod.

Kabilang din sa saklaw ng bagong minimum wage ang Negros Oriental at Siquijor, na bahagi na ng Negros Island Region, pero mananatili muna sa ilalim ng Central Visayas Wage Board habang hindi pa nabubuo ang sariling wage board ng rehiyon.

ADVERTISEMENT

Epektibo na rin ang ₱500 na dagdag sa buwanang minimum wage ng mga kasambahay sa Central Visayas, kaya aabot na sa ₱7,500 ang kanilang minimum na buwanang sahod. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?