Nakipagkita si boxing icon Manny Pacquiao kay Polish President Karol Nawrocki.
Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa Facebook ang video ng pagharap ng kaniyang asawa at ng lider ng Poland.
Sa caption, nagpasalamat si Jinkee sa pagbisita ni Nawrocki sa Pilipinas, na tinawag niyang inspiring at matagumpay.
Kamakailan lamang, nagsilbing trainer si eight-division world champion Manny Pacquiao para kay Polish President Karol Nawrocki sa Elorde Boxing Gym sa Parañaque City.
Sa video na ibinahagi rin ni Jinkee Pacquiao, hawak ni Manny ang focus mitts habang bumibitaw ng mga kumbinasyong suntok ang bisitang pangulo.
ADVERTISEMENT
Dati namang amateur boxer sa Poland si Nawrocki.
Bahagi ng kaniyang pagbisita sa Pilipinas ang workout kasama ang Pambansang Kamao, na ikinararangal namang maranasan ni Pacquiao.

