Kinilala ang DZJV 1458 Radyo Calabarzon sa dalawang kategorya ng parangal sa ginanap na Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) 2026 ng Department of Science and Technology (DOST)-CALABARZON.
Tinanggap ng himpilan ang Outstanding Science, Technology, and Innovation Media Champion sa Broadcast and Radio Category at Exemplary Science, Technology, and Innovation Media Advocate sa Digital and Online News Category.
Iginawad ang mga parangal sa closing ceremony ng RSTW 2026 na ginanap kahapon, Oktubre 15, sa Lucena City, Quezon, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng media sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa agham, teknolohiya, at inobasyon.
Layunin ng RSTW 2026 na itampok ang mga makabagong teknolohiya at mga programang nagsusulong ng kaunlaran sa iba’t ibang sektor sa rehiyon.
ADVERTISEMENT
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni DOST-Quezon Director Maria Esperanza E. Jawili ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga institusyon, negosyo, paaralan, at media upang higit na maipalaganap ang kaalamang pang-agham at maisulong ang mga inobasyong may konkretong pakinabang sa publiko.
Patunay ang pagkilalang ito sa patuloy na papel ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon sa paghahatid ng makabuluhang impormasyon at pagpapalawak ng kaalaman ng publiko, lalo na sa larangan ng agham, teknolohiya, at inobasyon. (Khane Flanco/News Light)

