Balitang A2Z

Anak ni Karen Davila, ibinida ang ipinintang modernong portrait ni Hesukristo

Hangang-hanga ang broadcast journalist na si Karen Davila sa bagong obra ng anak na si David. Ibinahagi ni David sa Instagram ang kaniyang modernong portrait ni Hesukristo na ginawa gamit…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of broadcast journalist Karen Davila’s son David with his modern portrait of Jesus Christ

Hangang-hanga ang broadcast journalist na si Karen Davila sa bagong obra ng anak na si David.

Ibinahagi ni David sa Instagram ang kaniyang modernong portrait ni Hesukristo na ginawa gamit ang acrylic paint.

Sa comments, hindi naitago ni Karen ang pagmamalaki sa anak, na amaze na amaze at love na love ang work of art.

Pinuri rin ng netizens ang talento ni David at ang kaniyang obra.

ADVERTISEMENT

Noong 2022, sumali na si David sa isang art exhibit para sa kawanggawa, kasama ang kaniyang mga kaklase.

Para naman kay Karen, patunay ang mga nagagawa ng anak sa halaga ng pagkilala at paglinang sa talento ng mga batang may special needs.

What do you feel about this article?