Naniniwala ang 51% ng mga Pilipino na dapat personal na humarap si Vice President Sara Duterte sa korte kaugnay ng impeachment trial laban sa kaniya.
Batay ito sa pinakahuling tala ng Pulse Asia Research na isinagawa noong September 17 hanggang 24, 2026.
Samantala, 34% naman ang naniniwalang hindi dapat personal na humarap ang Bise Presidente, habang 14% ang hindi pa makapagpasya.
Sa mga rehiyon, pinakamataas ang bahagdan ng mga pumapabor sa personal na pagttestigo ni Duterte sa Metro Manila sa 66%, sinundan ng iba pang bahagi ng Luzon sa 61%.
Lumabas din sa survey na 53% ng mga respondents ang umaaming kaunti lamang ang kanilang alam tungkol sa impeachment case laban sa Bise Presidente.
ADVERTISEMENT
Habang 55% ang nagsabing interesado sila sa impeachment trial.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng harapang panayam sa 2,400 Pilipino sa bansa.
Matatandaang sumasailalim si Duterte sa impeachment trial na may kaugnayan sa maling paggamit ng confidential funds, hindi maipaliwanag na kayamanan, at pagbabanta sa buhay ng Pangulo at pamilya Marcos. (Pink Feliciano/News Light)

