Posibleng may kaugnayan sa trabaho bilang broadcaster ang pagpatay kay Adrian “Golden Boy” Loterte sa Daraga, Albay.
Ito ang isa sa mga anggulong sinisilip ng PNP, kasabay ng personal at business-related motives.
Binuo na rin ang Special Investigation Task Group para tutukan ang pagtugis sa mga salarin.
Habang sinusuri na rin ng Presidential Task Force on Media Security ang mga nakaraang komentaryo ni Loterte.
Kabilang umano rito ang mga ibinunyag niya tungkol sa paghahakot ng buhangin at panambak na posibleng kinasasangkutan ng mga pulitiko, negosyante at pribadong indibidwal.
Mahigit dalawang dekada nang nasa media si Loterte.
ADVERTISEMENT
Binaril si Loterte habang nasa kaniyang panaderya sa Barangay San Roque, Lunes ng hapon.
Kinondena naman ng PNP at Presidential Task Force on Media Security ang pagpatay.
“We really condemn all killings and attacks against journalists, mapa-related sa trabaho or hindi, kasi ang simbolo ng pagpaslang ng isang mamamahayag is an attack sa demokrasya, attack sa press freedom. Dapat talaga sama-sama isulong makamit ‘yung hustisya sa mga ganito and we can prevent ‘yung mga ganitong mga pag-atake sa media,” ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director Usec. Jose Torres Jr.

