Balitang A2Z

SSS chief Robert De Claro, itinalaga bilang bagong DICT secretary

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Social Security System (SSS) President and CEO Robert Joseph Montes De Claro bilang bagong Department of Information and Communications Technology (DICT) secretary. Pinalitan…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of President Ferdinand Marcos Jr. leading the oath-taking of SSS President and CEO Robert Joseph Montes De Claro as the new DICT secretary

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Social Security System (SSS) President and CEO Robert Joseph Montes De Claro bilang bagong Department of Information and Communications Technology (DICT) secretary.

Pinalitan niya si Henry Aguda na nauna nang nagbitaw sa puwesto.

Pinirmahan na ni Marcos ang ad interim appointment ni De Claro na may malawak na background sa information technology at digital economy.

Pag-upo sa DICT, agad na iniutos ni De Claro ang masusing review ng mga proyekto, budget at procurement ng ahensiya.

Aniya, sa loob ng tatlong buwan, target niyang makabuo ng malinaw na direksyon para sa ahensiya.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa babantayan ni De Claro ang Free Wi-Fi program para masiguro na gumagana ang mga internet facility na ikinabit sa iba’t ibang lugar, habang hiniling ang tulong ng service providers sa pagmo-monitor ng mga ito.

Pag-aaralan din ngayon ng kagawaran ang mga panukalang limitahan ang social media access ng mga menor de edad at pag-iwas sa online harm bago pa ito mangyari.

Nagtapos ng Computer Science si De Claro na may specialization sa Information Technology sa De La Salle University at may karanasan sa technology at business sector.

What do you feel about this article?