Balitang A2Z

Sandiganbayan, pinawalang-sala si Rep. Garin at 4 ex-health officials vs. graft at technical malversation sa P3.55-B Dengvaxia case

Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Representative Janette Garin hinggil sa graft at technical malversation kaugnay ng P3.55 billion na Dengvaxia procurement. Kasama ring pinawalang-sala ang…

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Photo of Iloilo Representative Janette Garin, former Health Secretary

Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Representative Janette Garin hinggil sa graft at technical malversation kaugnay ng P3.55 billion na Dengvaxia procurement.

Kasama ring pinawalang-sala ang apat na dating health officials na sina dating Health Undersecretaries Gerardo Bayugo at Kenneth Hartigan-Go, dating Department of Health (DOH) official Maria Joyce Ducusin, at dating Philippine Children’s Medical Center Executive Director Julius Lecciones.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y ilegal na paggamit ng mahigit tatlong bilyong pisong pondo para bumili ng Dengvaxia vaccines noong 2015.

Inakusahan ng prosekusyon ang mga opisyal na umano’y ilegal na inilihis ang pondo para sa school-based dengue immunization program.

Itinanggi ito ni Garin at nanindigang aprubado ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa mga bakuna.

ADVERTISEMENT

“Patuloy kaming magsasabi na una, wala kaming tinatago. Wala kami ni pisong kusing na kinuha sa pagbabakuna, yun po boluntaryo sang-ayon sa aming expertise at patuloy kaming mananawagan ng pagbabakuna dahil yun po ay para ating mga kabataan,” ayon kay Garin.

Habang iniutos din ng korte na ibalik ang mga bond ng mga akusado at bawiin ang hold departure orders laban sa kanila.

Pero ayon kay Garin, may mga civil case pa siyang kinakaharap at mga bagong reklamong inihain ng Public Attorney’s Office sa Department of Justice (DOJ).

What do you feel about this article?