Balitang A2Z

Lino Cayetano, nanumpa na bilang ika-6 na PCO secretary ni PBBM

Pormal nang nanumpa sa puwesto si Lino Cayetano bilang ika-anim na Presidential Communications Office (PCO) secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sabay sa ceremonial oath-taking, ipinaliwanag ni PBBM ang nagbabagong…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of Lino Cayetano during his oath-taking as the sixth Presidential Communications Office (PCO) secretary under President Ferdinand Marcos Jr.

Pormal nang nanumpa sa puwesto si Lino Cayetano bilang ika-anim na Presidential Communications Office (PCO) secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sabay sa ceremonial oath-taking, ipinaliwanag ni PBBM ang nagbabagong pangangailangan sa komunikasyon.

Pinalitan ni Cayetano si Dave Gomez matapos ma-bypass ang pagkakatalaga nito ng Commission on Appointments.

Si Cayetano ay nagsilbing alkalde ng Taguig bago ma-appoint bilang PTV general manager noong Hunyo.

Kapatid niya ang dalawang opposition senators na sina Alan Peter at Pia Cayetano.

ADVERTISEMENT

Pero giit ng opisyal, walang epekto ang relasyon sa kaniyang pamilya sa kaniyang trabaho.

“It doesn’t change anything, regardless kung nasan tayo sa political spectrum. Ang importante, we are fighting for the same things,” ayon kay Cayetano.

What do you feel about this article?