Humaharap ngayon sa ikaapat na graft complaint sa Office of the Ombudsman si Laguna Governor Sol Aragones at ilan pang opisyal.
Ugat ng reklamo ang umano’y pagpapatakbo ng isang chemotherapy center sa provincial hospital nang walang kaukulang lisensiya.
Nagreklamo rin ang isang dating opisyal ng Laguna Medical Center matapos umano siyang tanggalin sa serbisyo nang walang due process.

