Muling sinuspinde ng Sandiganbayan nang 90 araw si Senator Jinggoy Estrada kaugnay ng mga kaso sa umano’y flood control kickback scheme.
Sa bagong resolusyon na inilabas ng Sandiganbayan Fifth Division, sinususpinde si Estrada sa Senado at sa anumang iba pang public office na hawak niya.
Kaugnay ito ng P573-million plunder case laban sa senador.
Ayon sa korte, mandatory na ang preventive suspension matapos mapagpasyahan ang mga usapin sa validity ng amended charges.
ADVERTISEMENT
Nauna nang tinutulan ni Estrada ang panibagong suspension at iginiit na nakadetine na siya sa New Quezon City Jail at magiging mas parusa pa umano ang isa pang 90-day suspension.
Pero ayon sa korte, wala itong discretion kapag napatunayang valid ang information o charge.

