Posibleng bahagyang gumaan ang pamasahe sa eroplano simula sa Biyernes, October 16.
Ito’y matapos ibaba ng Civil Aeronautics Board sa Level 16 ang fuel surcharge mula sa kasalukuyang Level 17.
Sa domestic flights, maaaring maningil ang airlines ng P525 hanggang P1,535 na fuel surcharge, depende sa layo ng biyahe.
Habang sa international flights, nasa mahigit P1,700 hanggang mahigit P12,000 naman ang maaaring singilin.
Mas mababa ito sa Level 17 na umaabot sa P1,600 sa domestic at mahigit P13,000 sa international flights.
ADVERTISEMENT
Ang fuel surcharge ay karagdagang bayad sa base fare na maaaring kolektahin ng airlines para makabawi sa paggalaw ng presyo ng jet fuel.
Epektibo ang Level 16 mula October 16 hanggang 31.

