Muling dumalo nang personal si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ikaapat na status conference hearing ng International Criminal Court (ICC) nitong Martes sa The Hague, Netherlands.
Personal na minonitor ni Duterte ang talakayan ukol sa paghahanda ng korte sa pagbubukas ng paglilitis sa November 30.
Target ng prosekusyon na iharap ang limang saksi bago ang holiday break.
Hindi naman pinagbigyan ni ICC Trial Chamber 3 Presiding Judge Joanna Korner ang hiling ng depensa na limitahan ang bilang ng ebidensyang ipi-presenta ng prosekusyon.
“Your motion that the evidence should be refiled and prosecution limited to 10,000 documents is at the moment refused,” ayon kay Joanna Korner, ICC Trial Chamber 3 Presiding Judge.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, hiniling nito sa prosecution na subukan pa rin na ayusin at pag-isahin ang ilan sa mga umuulit na dokumento.
Nahaharap si Duterte sa crimes against humanity dahil sa umano’y extrajudicial killings kaugnay ng kaniyang war on drugs noong panahon niya bilang Davao City mayor at bilang Pangulo ng Pilipinas.

