Target ngayon ng BINI ang mas malaking global stage matapos magsumite ang nation’s girl group ng tatlong entries para sa consideration sa 2027 Grammy Awards.
Kasama ang BINI sa Best New Artist, habang isinumite naman ang “Unang Kilig” para sa Best Asian Pop Music Performance, na bagong kategorya na ide-debut sa 69th Grammy Awards.
Isinumite naman para sa Best Song Written for Visual Media ang “A Parallel World” mula sa DreamWorks Animation film na Forgotten Island.
Samantala, sumabak din ang SB19 sa laban para sa posibleng nominasyon sa Grammys.
Inilunsad ng P-pop group ang kanilang “For Your Consideration” campaign para sa dalawang kategorya.
ADVERTISEMENT
Isinumite ang “VISA” para sa Best Asian Pop Music Performance, habang Best Pop Duo/Group Performance naman ang kanilang “Lawless.”
Pero hindi pa sila nominado at dadaan muna ang lahat ng entries sa eligibility review bago pagbotohan ng Recording Academy members.
Gaganapin ang 69th Grammy Awards sa February 7, 2027, sa Los Angeles.

