Balitang A2Z

Alex Eala, bigo sa kanyang WTA hard court return

Maagang nagwakas ang singles campaign ni Pinay tennis sensation Alex Eala sa Wuhan Open. Matapos makuha ang unang set, bumagsak ang Filipina tennis ace kay Chinese qualifier Han Shi, 6-4,…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Filipina tennis star Alex Eala

Maagang nagwakas ang singles campaign ni Pinay tennis sensation Alex Eala sa Wuhan Open.

Matapos makuha ang unang set, bumagsak ang Filipina tennis ace kay Chinese qualifier Han Shi, 6-4, 3-6, 3-6.

Nagtabla sa 4-all ang dalawa sa opening set bago sunud-sunod na kinuha ni Eala ang dalawang game para manalo, 6-4.

Pero bumawi si Shi sa ikalawang set at dinomina ang simula ng deciding set para tapusin ang laban.

Kasalukuyang nasa World No. 19 si Eala, habang World No. 217 lang si Shi.

ADVERTISEMENT

Ito ang unang panalo ni Shi laban sa isang Top-20 player at una niyang main-draw win sa isang WTA 1000 tournament.

Ito na ang ikalawang sunod na maagang exit ni Eala matapos din siyang matalo kay Tatiana Prozorova sa Round of 16 ng Singapore Open noong Setyembre.

Gayunpaman, may laban pa naman si Eala sa women’s doubles kasama ang Turkish partner na si Zeynep Sonmez.

What do you feel about this article?