Balitang A2Z

VP Sara Duterte, nabahala umano sa pahayag ni Marcos sa umano’y China-linked funds

Nabahala umano si Vice President Sara Duterte sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring maging national security issue ang umano’y pagtanggap ng pera mula China kung mapatutunayang totoo.…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Vice President Sara Duterte and President Ferdinand Marcos Jr.

Nabahala umano si Vice President Sara Duterte sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring maging national security issue ang umano’y pagtanggap ng pera mula China kung mapatutunayang totoo.

Ayon kay VP Sara, para sa kaniya, parang ipinahihiwatig nito na itinuturing siyang banta sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Marcos na maaaring maging matinding banta sa republika ang mga umano’y pagpopondo ng China kung mapatutunayan.

Umabot sa mahigit P300 milyon ang remittances mula mainland China at Hong Kong sa Cale88 Foods Corporation na iniuugnay sa asawa ni VP Sara na si Attorney Manases Carpio, batay sa records na inilahad ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa impeachment trial.

ADVERTISEMENT

Samantala, nanawagan na rin ang Department of National Defense (DND) at national security officials na imbestigahan ang usapin dahil sa posibleng national security implications.

What do you feel about this article?