Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat sa 121 properties na umano’y pagmamay-ari ng mga Duterte.
Ayon kay NBI Chief Melvin Matibag, kabilang dito ang isang property sa Davao City na idineklara sa halagang P890,000 lang, pero posibleng umabot sa P60 million ang tunay na halaga.
Sinisilip din ang umano’y property ni Congressman Paolo Duterte sa Samal Island.
Ibinunyag ni Matibag ang mga paunang impormasyon ukol sa umano’y pagkakaiba sa idineklarang yaman sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) nina VP Sara Duterte at Congressman Duterte.

