Balitang A2Z

PBBM: Umano’y China-linked funds kay VP Sara Duterte, malaking banta sa bansa kung mapatutunayan

Nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang banta sa pinakamataas na antas sa republika kung mapatutunayang totoo ang mga alegasyon ng umano’y pagpasok ng pera mula China sa mga…

Billy Torres · · Updated · 2 min read

Photo of Vice President Sara Duterte and President Ferdinand Marcos Jr.

Nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang banta sa pinakamataas na antas sa republika kung mapatutunayang totoo ang mga alegasyon ng umano’y pagpasok ng pera mula China sa mga entity na iniuugnay kay Vice President Sara Duterte at sa asawang si Attorney Manases Carpio.

Ayon kay Marcos, ang pinakanakababahalang bahagi ng alegasyon ay ang umano’y China-linked funds dahil maaari itong maging national security issue kung mapatutunayan.

“The most disturbing aspect of it is the Chinese money. That now rises to a national security issue kung totoo. If it is true, it is a national security issue. That’s why ang nagrespond is the DND, na sinabi nila we have to look into this,” ani Marcos.

Nauna nang alegasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV na mahigit P319 million ang pumasok sa Cale88 Foods Corporation na iniuugnay kay Carpio.

Batay naman sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) records na inilahad sa impeachment court, nasa mahigit tatlong daang milyong piso ang inward remittances sa kumpanya mula mainland China at Hong Kong.

ADVERTISEMENT

Pero giit ng depensa, wala pang patunay na ang pera ay galing mismo sa Chinese government.

Binanggit din ni Trillanes ang P150 million donation ng Chinese Embassy sa Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines noong 2019, na ginamit para sa pagpapatayo ng 13 classroom buildings sa Davao City.

What do you feel about this article?