Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na mag-ipon ng tubig-ulan habang pinaghahandaan ng gobyerno ang matinding El Niño.
Ayon kay Marcos, maglulunsad ang pamahalaan ng information drive para turuan ang mga pamilya kung paano tamang kolektahin, linisin, at i-filter ang tubig-ulan.
Inilatag naman ng pangulo ang mas malawak na paghahanda ng gobyerno, kabilang ang pagtiyak sa suplay ng tubig, pagkain at gamot, paghahanda sa agrikultura at cloud-seeding operations para makatulong sa pagdagdag ng ulan sa mga lugar na tatamaan ng tagtuyot.
Ayon sa PAGASA, malakas hanggang sa matinding El Niño ang kasalukuyang nararanasan sa Tropical Pacific at posibleng mag-peak bago matapos ang taon.
Samantala, bumanat na naman si Vice President Sara Duterte at sinabing walang maasahan sa pangulo matapos hikayatin ni PBBM ang publiko na mag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa El Niño.
ADVERTISEMENT
Sa halip, sinabi ni VP Sara na maglulunsad din ang Office of the Vice President ng information drive para turuan ang publiko kung paano paghahandaan ang El Niño.
Habang wala namang nabanggit na iba pang konkretong aksyon si VP Sara hinggil sa tagtuyot.
Inaasahang magpapatuloy ang El Niño hanggang unang kalahati ng 2027.

