Balik-bansa na mula sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bitbit ang aniya’y P96 billion na pangakong pamumuhunan sa Pilipinas.
Ipinagmalaki ni Marcos ang naiuwi niyang mga planong negosyo ng Japanese at Singaporean companies, partikular sa renewable energy at logistics hub sa Clark, Pampanga.
Kasama rito ang pagpasok ng puhunan ng Mitsubishi sa Ayala conglomerate, pagpapalawak sa FedEx operations sa Clark at pagpasok ng Vena Energy ng Singapore.
Nakapulong rin ni Marcos si Singapore Prime Minister Lawrence Wong para palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa at kooperasyon sa ASEAN.
ADVERTISEMENT
Naganap ang pulong ng dalawang lider sa sidelines ng Formula One Singapore Grand Prix.

