Balitang A2Z

Olivia Rodrigo, ayaw gumamit ng AI sa kanyang musika

Hard pass sa artificial intelligence (AI) si Olivia Rodrigo pagdating sa paggawa ng kanyang musika. Sa panayam sa kaniya ng The Hollywood Reporter, sinabi ng Filipino-American singer na hindi niya…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Filipino-American singer Olivia Rodrigo

Hard pass sa artificial intelligence (AI) si Olivia Rodrigo pagdating sa paggawa ng kanyang musika.

Sa panayam sa kaniya ng The Hollywood Reporter, sinabi ng Filipino-American singer na hindi niya gagamitin ang AI sa kanyang creative process.

Ikinuwento ni Rodrigo na minsan ay napag-usapan nila ng longtime producer na si Dan Nigro kung anong mga song title ang maimumungkahi ng ChatGPT para sa kaniya, pero hindi siya humanga sa resulta.

Kamakailan, inilabas ni Rodrigo ang kanyang ikatlong studio album na ‘You Seem Pretty Sad for a Girl So in Love.’

ADVERTISEMENT

Noong Agosto, inilabas din niya ang surprise song na ‘Serena Joy’ na hango sa ‘The Handmaid’s Tale.’

Matatandaang unang nag-concert si Rodrigo sa Pilipinas noong 2024, kung saan ipinagmalaki niya ang kanyang Filipino heritage sa harap ng sold-out crowd.

What do you feel about this article?