Balitang A2Z

NBI, umano’y “handler” ni Gracioso ayon kay VP Sara Duterte

Itinuturo ni Vice President Sara Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) bilang umano’y handler ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. Ayon kay VP Sara, nakikita umano ito…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Vice President Sara Duterte and former policeman Rodulfo Gracioso Jr.

Itinuturo ni Vice President Sara Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) bilang umano’y handler ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.

Ayon kay VP Sara, nakikita umano ito sa paraan ng paghawak at pagdepensa ng NBI kay Gracioso.

Si Gracioso ay dating security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, kung saan naglabas siya ng impormasyong naghatid umano siya ng mahigit dalawang bilyong piso kay Duterte, isang bilyong piso kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, at iba pang halaga sa mga personalidad.

Nauna nang inimbitahan ng NBI si VP Sara para magbigay ng kaniyang panig, pero sa halip na personal na dumalo, nagsumite ang kaniyang mga abogado ng affidavit at mga dokumentong kumukontra sa mga pahayag ni Gracioso.

ADVERTISEMENT

Patuloy namang sinusuri ng NBI ang mga alegasyon, kabilang ang mga ari-ariang iniuugnay sa pamilya Duterte.

What do you feel about this article?