Muling ipinakita ng Panginoon sa Kanyang mga mananampalataya mula sa Jesus Is Lord Church Worldwide na Siya ay “Abba Father.”
Ito ay dahil sa naging matagumpay na 48th anniversary ng simbahan na naganap nitong Sabado sa Luneta Grandstand.
Umulan isang oras bago selebrasyon, kaya pinangunahan ni Pastor Joey Crisostomo ang panalangin ng pagtigil ng ulan at gaya nang nakaraan, tinugon ito ng Panginoon.
ADVERTISEMENT
Napuno ng awitan at sayawan ang naging anibersaryo — kasama ang JIL Worship, 2,000 dancers, 100 choir members, at JIL Pop.
Highlight din ng anibersaryo ang mensahe ni Kristiyanong Kabataan para sa Bayan Chairman and Senator Joel Villanueva.
Aniya, malaking pagsubok ang kinaharap niya sa Senado tulad ng pagkasangkot sa flood control scandal na para sa kaniya’y mistulang pinagtulungan siya ng maraming korap na opisyal sa gobyerno.
ADVERTISEMENT
Ibinahagi rin niya ang pressure sa pagiging senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, at mainit na isyu ng 2027 national budget.
Sa kabila ng mga ito, ipinanalangin ni Senator Joel ang pagsunod ng mga mananampalataya sa Diyos Ama dahil sa nangyayaring krisis na kinakaharap ng bansa, ang Panginoon pa rin ang tanging matatakbuhan ng mga Pilipino.
Binigyang-diin naman ni Jesus Is Lord Church Worldwide Founder, President, and CIBAC Party-list Representative Bishop Bro. Eddie Villanueva, na ang pagsunod sa “Abba, Father” ang tanging kailangan ng bansa. (Austin Gonzaga/News Light)
ADVERTISEMENT

