Balitang A2Z

Forensic expert: Paglabas-masok ng pera sa Cale88 company ng asawa ni VPSD, posibleng sintomas ng money laundering

Inilahad ng forensic financial expert na si Atty. Alexander Cabrera na posibleng money laundering na maituturing ang nakita niyang labas-masok na pera sa Cale88 Foods Corporation, na kumpanya ng asawa…

Ace Cruz · · Updated · 1 min read

Photo of forensic financial expert Atty. Alexander Cabrera

Inilahad ng forensic financial expert na si Atty. Alexander Cabrera na posibleng money laundering na maituturing ang nakita niyang labas-masok na pera sa Cale88 Foods Corporation, na kumpanya ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.

Bukod pa ito sa findings na umabot sa P250 million ang hindi nabayarang buwis ng Gencorp Industries, na may interes si Duterte, base sa kaniyang 2024 at 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Kapwa naman ito pinabulaanan ng depensa.

Lalo’t lumabas sa kanilang cross-examination na tanging dokumento lang mula sa prosekusyon ang pinagbasehan nila at hindi ang mismong nasasakdal at iba pa.

What do you feel about this article?