Balitang A2Z

Flash flood, muling nanalasa sa Nepal; mga bahay at tulay, tinangay

Muling nanalasa ang flash flood sa Nepal na tumangay sa mga bahay at tulay sa kahabaan ng Budhi Gandaki River. Limang tao ang nawawala habang daan-daang residente at turista ang…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Photo of the flash flood that struck Nepal

Muling nanalasa ang flash flood sa Nepal na tumangay sa mga bahay at tulay sa kahabaan ng Budhi Gandaki River.

Limang tao ang nawawala habang daan-daang residente at turista ang naapektuhan.

Nailigtas ang halos 100 indibidwal, kabilang ang siyam na dayuhan.

Tinangay o sinira rin ng baha ang mga kabahayan, mga tulay, at ilang hydropower facility.

Naglabas na ng evacuation warning ang mga otoridad.

ADVERTISEMENT

Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nagsimula ang baha nang harangin ng landslide ang ilog bago bumigay ang nabuong natural dam.

Dumating ang bagong sakuna habang bumabangon pa ang Nepal sa malawakang pagbaha noong Agosto na pumatay sa mahigit 1,000.

Tinatayang aabot sa mahigit apat na bilyong dolyar ang kailangan para sa rehabilitasyon at reconstruction mula sa naunang sakuna.

What do you feel about this article?