Magkakaroon ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo simula ngayong Martes, October 13.
Sa anunsyo po ng Department of Energy (DOE), magkakaroon ng P3.01 bawas sa kada litro ng diesel.
Pero, tataas naman ng P1.56 ang kada litro ng gasolina, at P1.77 naman ang iaakyat sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa DOE, nakatulong sa pagbaba ng presyo ng diesel ang pagdagdag ng supply sa global market, maging ang pagluwag ng global fuel market.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, may sapat na fuel inventory ang Pilipinas para sa humigit-kumulang 50 araw na suplay ng produktong petrolyo sa bansa.

