Kinastigo ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tangkang pagharang ng Chinese Coast Guard sa medical evacuation mission nito sa Ayungin Shoal.
Ayon sa PCG, 7:30 nitong October 8 nang makarating ang BRP Cabra, siyam na milya mula sa Ayungin Shoal.
Susunduin nito ang isang Philippine Navy personnel na nagkasakit habang nakaestasyon sa BRP Sierra Madre.
Pero binuntutan ang PCG ng Chinese Coast Guard vessel saka ginamitan ng water cannon.
Nagpatuloy ang pangha-harass, kung kaya’t pasado 3:00 na ng hapon nang masundo ng PCG Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) ang pasyente at mag-5:00 na nang mailipat sa BRP Cabra.
ADVERTISEMENT
“This is another barbaric behavior of the Chinese government. Wala silang pakialam sa buhay; they never cared about the health and safety of our personnel on board BRP Sierra Madre,” ayon kay PCG Spokesperson for WPS Rear Admiral Jay Tarriela.
Sa pahayag ng Chinese Foreign Ministry ngayong Biyernes, hindi umano humingi ng permiso ang Pilipinas na pumasok sa katubigan.
Mababatid na ang Ayungin Shoal ay pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

