Balitang A2Z

Ms. Grand PH Angelica Lopez, agaw-pansin sa ‘Mangkukulam’ national costume; MGI crown, target para sa three-peat ng Pinas

Mangkukulam outfit ang paandar ni Miss Grand Philippines Angelica Lopez sa National Costume Competition ng Miss Grand International (MGI) pageant sa Bangkok, Thailand. Sa disenyo ni Patrick Isorena, nagmistulang manyikang…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of Miss Grand Philippines Angelica Lopez in her witch-inspired outfit during the National Costume Competition of the Miss Grand International pageant in Bangkok, Thailand

Mangkukulam outfit ang paandar ni Miss Grand Philippines Angelica Lopez sa National Costume Competition ng Miss Grand International (MGI) pageant sa Bangkok, Thailand.

Sa disenyo ni Patrick Isorena, nagmistulang manyikang tinutusok ang katawan ni Angelica habang bitbit niya sa likod ang babaeng karakter na hango sa Philippine folklore.

Talagang kaiba ito kung ikukumpara sa ibang national costume ng ibang bansa.

Sa labas ng costume, nagpakitang-gilas din sa pagrampa si Angelica sa gown at swimsuit rounds ng preliminary competition.

ADVERTISEMENT

Ngayong Sabado, October 10, gaganapin ang grand final ng 2026 Miss Grand International, kung saan target ni Angelica na makuhang muli ang korona para sa pangarap na MGI three-peat ng Pilipinas mula kay outgoing queen Emma Tiglao at 2024 winner CJ Opiaza.

What do you feel about this article?