Bumagsak ang halaga ng piso sa bagong all-time low na P62.90 kontra dolyar kahapon, October 8.
Ito na ang ika-26 na record low ng piso ngayong taon, at ikaapat na sunod na araw na humina ito.
Ayon sa mga ekonomista, kabilang sa mga nakaapekto sa piso ang pagbaba ng foreign reserves at paglabas ng pondo mula sa stock at bond markets.
Bumaba sa 99.996 bilyong dolyar ang gross international reserves ng bansa noong Setyembre. Ito na ang pinakamababang antas nito mula Setyembre 2023.
ADVERTISEMENT
Samantala, ayon sa ekonomistang si Michael Ricafort, nakadagdag din sa lakas ng dolyar ang mataas na US Treasury yields.
Inaasahang mananatiling may pressure sa piso, at posibleng mag-trade sa P62.70 hanggang P63.10 kada dolyar. (Pink Feliciano/News Light)

