PoliticsLatest News

PBBM, nakatanggap ng ‘poor’ satisfaction rating para sa Q3 2026 — SWS

Lumabas sa survey na 35% ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ng Pangulo, samantala 20% ang undecided pa at 46% ang dissatisfied.

Carlene Latuna · · 1 min read

Bumagsak sa ‘poor’ mula sa ‘neutral’ ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa ikatlong quarter ng taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa survey na 35% ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ng Pangulo, samantala 20% ang undecided pa at 46% ang dissatisfied.

Sa kabuuan, nakakuha ng -11 ang net satisfaction score na natanggap ni PBBM na itinuturing na poor ng SWS.

Bumaba ito ng apat na score mula sa -7 noong ikalawang quarter o ‘neutral’ net satisfaction.

ADVERTISEMENT

Isinagawa ang survey mula September 21 hanggang September 27 na nilahukan ng 1,500 na adults sa buong bansa.

What do you feel about this article?