Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang naglalayong higpitan ang paggamit ng social media ng mga batang 18 years old pababa.
Sa botong 16 pabor, isang hindi pabor, at walang abstention, naipasa ang Senate Bill No. 2424 o “SMART Kids Act.”
Sa ilalim ng panukala, hindi papayagang mag-register, gumamit o magpanatili ng account ang mga below 18 sa mga age-restricted social media platform.
Layunin ng panukala na protektahan ang mga bata laban sa mga posibleng pisikal, mental, social at emotional na pinsala mula sa social media.
Kailangan ding sumunod ang mga international social media platform na nag-o-operate sa Pilipinas, kabilang ang pagtalaga ng kinatawan sa bansa.
ADVERTISEMENT
Samantala, si Senator Risa Hontiveros ang nag-iisang bumoto kontra sa panukala.
Ayon kay Hontiveros, may mga kabataang umaasa sa social media para sa pagkita at pakikipag-ugnayan sa pamilya, kaya iminungkahi niya ang mas unti-unting paghihigpit depende sa edad. (Pink Feliciano/News Light)

