Umusbong bilang nangungunang kandidato sa pagkapresidente sa dalawang senaryo ng 2028 elections sina dating Bise Presidente Leni Robredo at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, batay sa Tangere survey na inilabas kahapon.
Pinangunahan ni Robredo ang ‘expanded field’ sa 29 percent nang siya at si Senador Raffy Tulfo ay isinali, habang nanguna naman si Duterte sa 29 percent sa scenario na hindi na kalahok ang naunang dalawang opisyal.
Pumangalawa si Duterte sa expanded field na may 22 percent, kasunod si Sen. Bong Go na may 18 percent at Tulfo na mayroon namang 14 percent.
Ayon sa Tangere, 31 porsyento sa respondents ay binubuo ng mga tagasuporta ng mga Duterte, habang parehas na 16 porsyento ang mga sumusuporta sa administrasyong Marcos, kay Robredo o sa Liberal Party.
ADVERTISEMENT
Ipinakita rin ang potensyal na tambalang Robredo-Aquino; 70 percent ang pumili kay Aquino bilang bise sa expanded scenario habang 26 percent kay Sen. Risa Hontiveros.
Ang naturang survey ay sumakop sa 1,800 respondents sa buong bansa, may plus or minus 2.4 percentage points margin of error at 95 percent confidence level. (Denniel Salayo/News Light)

