Nasa Singapore na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang limang araw na working visit sa Singapore.
Nakatakdang kausapin ng Pangulo si Singaporean Prime Minister and Minister of Finance Lawrence Wong para pag-usapan ang bilateral relations at regional developments.
Dadalo rin sa Forbes Global CEO Conference ang Pangulo para makipagpulong sa ilang business leaders.
Ayon sa Pangulo, ibibida niya ang mga oportunidad na alok ng Pilipinas pagdating sa digital technology, AI, at advanced manufacturing maging ang sektor ng imprastraktura at iba pa.
ADVERTISEMENT
Bisitahin din ng Pangulo ang Singapore Nuclear Research and Safety Institute sa imbitasyon ng Temasek Foundation at Ayala Corporation.
Nauna rito, naiulat din na sa ikatlong pagkakataon mula 2022 at 2023, dadalo ang Pangulo sa Formula 1 Singapore Grand Prix 2026 na gaganapin sa Marina Bay Street Circuit.

