News LightLatest News

Defense Sec. Teodoro, nananawagan ng imbestigasyon sa China-linked funds sa Cale88 na umuugnay sa pamilya Duterte

Itinuturing ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na seryosong banta sa national security ang mga iniulat na remittance mula China at Hong Kong papunta sa kumpanyang iniuugnay sa pamilya Duterte…

Giselle Crazo · · 1 min read

Itinuturing ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na seryosong banta sa national security ang mga iniulat na remittance mula China at Hong Kong papunta sa kumpanyang iniuugnay sa pamilya Duterte kung mapapatunayang may kaugnayan ito sa foreign influence.

Panawagan ni Teodoro, masusing imbestigahan ang mga transaksyon at gumawa ng naaayon sa batas na aksyon kung may makitang ebidensiya.

Nauna nang tumestigo si Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura na nasa halos ₱320 milyon ang inward remittances mula mainland China at Hong Kong papunta sa Cale88 Foods Corporation. Iniuugnay ang kumpanya kay Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte.

Samantala, sinabi ng National Security Council na sinusuri na nito ang mga impormasyong inilahad sa impeachment trial para matukoy kung may national security implications ang mga transaksyon.

What do you feel about this article?