Ngayong Oktubre, ipinagdiriwang ang Museums and Galleries Month, kaya naman maraming libreng pamamasyal sa museo, exhibits, at events ang maaari nating puntahan.
Libre ang admission sa lahat ng National Museum of the Philippines (NMP) components sa bansa at may iba’t ibang activities pa gaya ng museology training sa National Museum of Fine Arts, Museum Stamp Quest sa National Museum of Anthropology, at Ivatan Language Refresher sa NMP – Batanes.
Sa Quezon City, maaari ring bisitahin ang Ateneo Art Gallery na libre ang admission tuwing Friday, Saturday, at ilang piling Linggo. Marami ring museum ang maaaring puntahan sa University of the Philippines Diliman.
Sa Taguig, libre rin ang admission sa Traverse: Creativity in Motion exhibit sa Metropolitan Museum of Manila.
ADVERTISEMENT
Kaya, mga Kaakibat, ayain na ang inyong family, friends, and loved ones at mag-explore sa ating museums ngayong Museums and Galleries Month.

