News LightLatest News

JILCW, kinilala ng Kamara para sa ika-48 taong anibersaryo

Sa bisa ng House Resolution Number 48 na in-adopt ng Kamara nitong ika-5 ng Oktubre, kinilala at pinarangalan ang JIL Church Worldwide para sa patuloy na pagbibigay ng simbahan ng…

Newslight · · 1 min read

Kinilala ng House of Representatives ang Jesus Is Lord Church Worldwide para sa kanilang paparating na ika-48 taong anibersaryo ng simbahan.

Sa bisa ng House Resolution Number 48 na in-adopt ng Kamara nitong ika-5 ng Oktubre, kinilala at pinarangalan ang JIL Church Worldwide para sa patuloy na pagbibigay ng simbahan ng biblical guidance at counsel na nakatutulong sa paghubog ng bansa, pagbibigay ng pagbabago sa isang indibidwal, pamilya, at komunidad, at pagtulong ng simbahan sa edukasyon, pagpuksa sa kahirapan, disaster response, at pag-aalaga ng komunidad sa ilalim naman ng Jesus Is Lord College Foundation at iCare Compassion Ministries.

Kinilala rin ng Mababang Kapulungan ang naambag ng simbahan sa labas ng bansa na nagbibigay ng pag-asa sa mga overseas Filipino workers o OFW at iba pang Pilipino upang magbahagi ng spiritual nourishment, emotional support, maging practical assistance lalo na sa mga nangangailangan nito.

Ang pagkilalang ito ay bunsod ng paparating na pagdiriwang ng JIL sa kanilang ika-48 na anibersaryo sa Luneta Grandstand sa October 10 na may temang “Abba Father.” (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?