Balitang A2Z

Trump, nanawagan sa mga bansa na tumiwalag sa ICC; apela ni Trump, walang epekto sa ICC case ni Duterte, ayon sa Palasyo

Ginamit ni U.S. President Donald Trump ang kanyang talumpati sa United Nations General Assembly para mangampanya laban sa International Criminal Court (ICC). Apela niya sa mga bansa, bumitaw na sa…

Barbie Muhlach · · Updated · 2 min read

Photo of U.S. President Donald Trump

Ginamit ni U.S. President Donald Trump ang kanyang talumpati sa United Nations General Assembly para mangampanya laban sa International Criminal Court (ICC).

Apela niya sa mga bansa, bumitaw na sa kanilang membership sa ICC.

“I call on all U.N. nations that are members of ICC to officially resign from this institution immediately,” panawagan ni Trump.

Una nang nagbaba ng sanction ang Amerika sa ilang ICC officials matapos magbaba ang naturang korte ng arrest warrant laban sa kaalyado ng U.S. na si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Taong 2000, pumirma si dating U.S. President Bill Clinton sa Rome Statute pero hindi ito naratipikahan, hanggang tuluyan nang inabandona ng Amerika ang dapat membership nito sa ICC.

Nilinaw ng Malacañang na nirerespeto nito ang apela ni Trump pero hindi rin nakikita ng Palasyo na makakaapekto ito sa pag-usad ng ICC case ni ex-President Rodrigo Duterte.

ADVERTISEMENT

“Ang panawagan ng U.S. ay ginagalang natin. Sa ngayon, ganun pa rin ang stance ng ating Pangulo. Hindi pa po napapanahon ang pag-rejoin sa ICC sa ngayon,” ayon kay Palace Press Officer Claire Castro.

Mismong si Duterte ang nagbawi ng membership ng Pilipinas sa ICC noong 2019.

Pero may hurisdiksyon pa rin ang ICC sa crimes against humanity cases laban kay Duterte dahil nangyari ang mga alegasyong sistematikong pagpatay panahong miyembro pa ang Pilipinas sa naturang international tribunal court.

What do you feel about this article?