Balitang A2Z

Trump, dinepensahan ang Iran war sa UN General Assembly; magkahalong banta at diplomasya vs. Tehran, inihayag

Dinepensahan ni U.S. President Donald Trump ang nagpapatuloy na digmaan ng Amerika kasama ang Israel laban sa Iran, na nagsimula noong February 28. Sa kanyang talumpati sa 81st United Nations…

Barbie Muhlach · · Updated · 1 min read

Photo of U.S. President Donald Trump

Dinepensahan ni U.S. President Donald Trump ang nagpapatuloy na digmaan ng Amerika kasama ang Israel laban sa Iran, na nagsimula noong February 28.

Sa kanyang talumpati sa 81st United Nations General Assembly (UNGA) sa headquarters ng U.N. sa New York, USA, sinabi ni Trump na napigilan umano ng kanilang tunggalian na magkaroon ng nuclear weapons ang Tehran.

Pero magkahalo rin ang mga naging pahayag ni Trump, mula sa tila pagbabanta, ay may kalakip rin itong diplomasya.

Present sa speech ni Trump si Iranian President Masoud Pezeshkian, na nakatakda namang tumugon sa UNGA sa Miyerkules ng gabi sa New York.

ADVERTISEMENT

Una nang sinabi ni Pezeshkian na dedepensahan niya ang posisyon ng Tehran.

What do you feel about this article?